Photographer|Fashionista|Traveler|IG Eibarramendia|Blogger eibarramendia.blogspot.com

Thursday, March 2, 2017

Patag Mountain Resort, Silay City, Negros Occidental Philippines

Pagod ka na ba at litong-lito sa kaiisip sa iyong complicated relationship?
Mga Beh, time na para naman sa iyong sarili...magmunimuni, magmove-on at maglakbay. 🏞💃😊

Ang Patag Mountain Resorts ay isang village local community na napapalibutan ng mga magagandang falls na perfect para sa mga gustong mag-adventure o trick.

Habang naglalakbay ka pataas ito ang view na makikita mo mga Beh. Mapapalula ka talaga habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan at unti-unting mafefeel ang lamig ng simoy ng hangin. For sure makakarelate ka sa lamig. ✌😂


1. Patag Recreational Center

Entrance fee:
Adult - P10
Child - P5
Malawak 'yan beh, pwede kang magtent sa halagang P50.00 lang kung ayaw mong tumuloy sa hostel. 🖒😊


Pansinin niyo 'yung larawan sa likuran, iyan ang hostel na pwede mong tuluyan kung ayaw mong magtent. Dating hospital 'yan sa panahon ng Hapon pero dahil sa katagalan ng panahon, ginawa na siyang tuluyan ng mga nagbibisita at turista at pagmamay-ari na ngayon ng gobyerno ng Silay City. Oh di ba? 'Di gaya mo ngayon single na at walang may nagmamay-ari. Kaya ano pa hinihintay mo beh, go na. #Creepy pero exciting. lol 😂💃
Accommodation fee:
Room with toilet - P100
Room without toilet - P80

Pagpasok mo sa gate, makikita mo 'yan sa kaliwang banda.
Nang-aakit na swimming pool. Parang ikaw lang beh, 'yung ginawa mo na ang lahat, inakit sa iyong kagandahan at alindog pero #sad di pa rin siya bumalik. Ang sarap maligo diyan napakalamig ng tubig.
Pool fee - P30
Maliban sa swimming pool at campsite, ang Patag Recreational Center ay mayaman din sa kasaysayan. Ito ang Japanese Shrine na kung saan alaala sa mga namatay na sundalo sa kalagitnaan ng giyera sa pagitan ng Japanese- American war at mga local gerilyas. Oh 'di ba bongga? Buti pa 'to no nakatayo pa rin hanggang ngayon. Pero, ang pangako ng Ex mo sa 'yo patay na. #Saklap Tirikan natin beh. 🕯😂

2. Elena Mountain Resort
Mga ilang metro lang 'yan ang lalakarin mula sa Patag Recreational Center. May swimming pool din at ang ganda ng accommodations. Mayroon ding campsite.
Entrance fee: Adult/Children: P20
Room/Double deck - P800
Whole house - P1500
Swimming pool - P10

3. Ladlad Resort 
Malapit lang ito mula sa Elena Mountain Resort. Ito ang pinakahuling public resort na karamihang dinadayo talaga mga beh lalo na kapag summer dahil sa napakalamig na klima dito at spring ang water. # MiniBaguio
Tamang-tama rin sa mga loner, nawasak ang mga puso at pinaasa ng husto kasi pwede kasi ang campsite ay malapit talaga sa mother nature at pwede pang magbonfire. 🙏🔦
Entrance fee: Adults/Children - P20.00
Cottages - P200
Rooms - (depende sa laki) P500, walang limit ang # of persons

Model-modelan lang mga beh. #FeelingerongManglalakbay 😅😉🔨
 Magdala ng sariling pagkain mga beh upang huwag magutom. Para feel mo talagang nagcacamp ka pwede kang magluto. Wow, tsalap! 😅
*May store din namang 'pwedeng mabilhan in case naiwan mo 'yung mga ingredients mo sa pagluluto lol.
Pwedeng magdala ng sariling tent. 
Tent overnight fee: P100

Spring water ang pool dito. Talagang mararamdaman mo ang tila yelo sa lamig ng tubig na dumadampi sa iyong balat lalo na kapag gabi ka maligo. Sa sobrang lamig, 'di mo na mararamdaman ang nanlamig na ninyong relasyon. Huwapak! 😅😅😅

100 steps overview mga beh. Ito'y sa alaala ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Tutungo ako mga beh sa Dam Falls. Isa ang falls na ito ang sumusupply sa mga pananim ng mga tao rito. May mga bahagi sa kagubatan na matubig kaya't kinakailangang hubarin ang sapatos. Advice ko nalang mas mabuting magdala ng tsinelas dahil masakit sa paa ang mga bato at baka magkasugat pa. Sugatan na nga ang puso pati ba naman ang paa beh? 💪✌

Ang lamig mga beh, sobrang nakakarelax at makakalimutan mo talaga mga problema mo at pati 'yung Ex mo na mukhang tsonggo. haha 😅😅😅🐵
Pwede kang gumitara habang nakaupo sa punong iyan at magpapakasenti at kantahin ang favorite love song mong "Mahal ko o Mahal Ako". 🎶


Paalala lang mga beh, dahil nga ang lugar ay isang Natural park, ipinagbabawal ang pagtatapon ng mga basura. Opps basura? Hayan mga beh ipatama mo sa bessss mong nang-agaw ng jowa mo. haha





PAANO MAKAPUNTA SA PATAG MOUNTAIN RESORT SILAY CITY?
Mga beh, mula sa city, magtanong lang kung saan ang terminal ng jeep patungong resort at sabihin lang sa driver ng jeep kung saang resort ka bababa. Alam mo na mas mabuti na 'yung nagtatanong kaysa sa nag-aasume. Ouch!
P50.00 ang pamasahe kung hanggang Old hospital ka lang pero kung hanggang sa Ladlad resort ka bababa ito ay P60.00 lang.  Oh di ba? Mura lang. 
Marami pa ritong mga falls na pwedeng bisitahin gaya ng Tinagong dagat, Dumalabdab falls at Pulang Tubig falls.

Kaya hanggang sa susunod mga beh, isa na namang mahugot na paglalakbay ang aking ibabahagi sa inyo. 

Feel free to comment and suggest.

Contact email: eibarramendia26@gmail.com

8 comments:

  1. Smile aq while reading this blog. You learn while reading at mauupdate kapa sa place

    ReplyDelete
  2. Smile aq while reading this blog. You learn while reading at mauupdate kapa sa place

    ReplyDelete
  3. Yung sa recreational center yung room ba pang overnight na yan?
    At meron ba sa mga resort nagpapa rent ng tent?? Ty

    ReplyDelete
  4. Hello...Good day. yes mam...kung nais niyong magrent ng tent sa resort mayroon po. :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung recreational center mai contact number ba kung mag papa reserve ng rooms?

      Delete
    2. May contact no# po ba kayo sa Patag Recreational Center?

      Delete
  5. Hi! Just wanna ask if meron ba kayong contact no# for reservation sa Patag Recreational Center? Thanks 😊

    ReplyDelete